Nag-overheat na stand fan sanhi ng sunog sa Las Piñas

ISANG nag-overheat na stand fan ang pinaniniwalaang naging sanhi ng sunog sa Las Piñas kanina.

Nagsimula ang sunog alas-12:06 ng tanghali sa no. 232 Real st., Elias Alda, na pagmamay-ari ni Fortunato Velasquez.

Nagsimula umano ang sunog sa kuwarto ni Velasquez na nasa ikatlong palapag ng bahay.

Naapula ang apoy alas-12:23 ng tanghali at napigilan na kumalat ito sa ibang kabahayan. Tinatayang P40,000 halaga ng ari-arian ang nasira sa sunog.

Read more...