Calida pumalag kay Coco Martin

COCO MARTIN

KUNG hindi lang umano siya Solicitor General, papatulan ni Jose Calida ang aktor na si Coco Martin at ipapakain ang mga salita nito.

Kasabay nito ay sinabi ni Calida na “the end is near” na sa ABS-CBN dahil sa dami ng nilabag nito sa Konstitusyon.

Matapos na hindi sumipot noong nakaraang linggo, dumalo si Calida sa joint hearing ng House committee on legislative franchises at on good government sa pamamagitan ng Zoom at iginiit kung bakit hindi dapat bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Sinabi ni Calida na akala siguro ni Martin ay kaya nitong masolusyunan ang problema sa pamamagitan ng kanyang pagiging macho sa palabas sa telebisyon.

“It appears that he feels he can solve the problems the same way as he solves them on screen, with macho bluster and bravado,” ano Calida.

Matapos magsara ang ABS-CBN, sinabi ni Martin na “Kapag ang pamilya ko kinanti, kahit sino ka pa, lalaban ako ng patayan sa iyo kahit patayin mo pa ako” na para kay Calida ay isang paghahamon.

“Maraming maraming salamat Solicitor General Jose Calida at sa bumubuo ng National Telecommunications Commission sa kontribusyon niyo sa ating bayan! Tinatarantado ninyo ang mga Pilipinas!” ani Calida na ang pinatutungkulan ay ang sinabi ni Martin.

Sagot naman ni Calida sa mga pahayag ni Martin: “If I had not been the Solicitor General, I would have called his bluff and make him eat his words.”

Ginamit naman ni Calida ang bahagi ng kanta ni Frank Sinatra na “My Way” upang ilarawan ang sasapitin ng ABS-CBN.

“And now, the end is near,” ani Calida na iginiit sa Kongreso na hindi dapat bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN dahil sa mga paglabag nito sa Konstitusyon.

“ABS-CBN has committed too many violations which went unnoticed and unpunished. But we are determined to root out such illegal practices,” dagdag pa ni Calida. “ABS-CBN is motivated not by service but by greed and a desire for power and influence. Their brazen acts must come to an end. The hour of reckoning may have been delayed, but it has now come.”

Muling itinanggi ni Calida na nanghimasok ito sa trabaho ng National Telecommunication Commission na pinayuhan nito na huwag magbigay ng provisional franchise upang makapagpatuloy ang ABS-CBN sa operasyon nito kahit na expired na ang prangkisa.

Itinanggi rin ni Calida na nakikipag-away ito sa Kongreso at iginiit na ginagawa lamang ang kanyang trabaho.

“Bakit pa kami titigil ngayon? Responsibilidad naming ipagpatuloy ang labang ito hindi para saming sarili kundi para sa sambayanang Pilipino,” punto pa ni Calida. “We will endeavor to right every wrong no matter what the cost, no matter who we go up against.”

“For decades now, ABS-CBN has been deceiving the Filipino people. The time has come to expose ABS-CBN, whose owners and corporate officers continue to deceive the Filipino people into believing that they are ‘In the Service of the Filipino.”

Nagpaliwanag din si Calida sa hindi nito pagdalo sa pagdinig noong nakaraang linggo at iginiit na ito ay batay sa prinsipyo ng sub judice na nagbabawal sa kanya na talakayin sa publiko ang kaso ng ABS-CBN na nakabinbin sa Supreme Court.

Humingi rin ng paumanhin si NTC Commissioner Gamaliel Cordoba sa kalikuhan na naidulot nito ng hindi tuparin ang naunang sinabi nito na maglalabas ng provisional authority pabor sa ABS-CBN.

“I would like, on behalf of the Commission, to reiterate our sincere apologies for the ensuing confusion this has caused. It was not our intention to inconvenience Congress and certainly we intended no disrespect,” ani Cordoba. “Trabaho lang po ang aming isinagawa, alinsunod sa batas.”

Read more...