Sarah, Matteo parehong negative sa COVID

PAREHONG negative sa COVID-19 ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Ito ang masayang ibinalita kahapon ng Kapamilya couple sa kanilang social media followers matapos sumailalim sa rapid test.

Isinagawa ang COVID-19 test kina Sarah at Matteo matapos bumisita sa isang dental clinic kamakailan. Ipinost pa ni Matteo sa kanyang Instagram Stories ang resulta ng kanilang rapid test.

Sa isang interview, sinabi ni Matteo na simula noong ipatupad ang lockdown sa bansa partikular na dito sa Metro Manila dulot ng killer virus ay nasa bahay lang sila ng kanyang asawa.

“We’ve been staying home. We just go out when we need to go out doing groceries and all these essential things,” pahayag ng singer-actor.

Naglabas pa nga sila ng video para paalalahanan ang madlang pipol na sundin ang lahat ng ipinag-uutos ng gobyerno para magtagumpay ang bansa sa paglaban sa virus.

Makinig kayo sa government. Kung lockdown, lockdown. Kung diyan sa bahay, diyan lang kayo sa bahay. 

“Please lang, please keep safe. Wash your hands all the time and please practice social distancing,” pahayag ni Matteo.

Ayon naman kay Sarah, ang tanging magagawa ng lahat ay ang makinig sa mga otoridad habang may pandemya, “Do our part to fight this virus by staying at home.”

Read more...