Updated: 1 sugatan sa sunog na tumupok sa 11 bahay

SUGATAN ang isang lalaki sa sunog sa Makati City kaninang umaga.

Kinilala ng Bureau of Fire Protection-NCR ang nasugatan na isang Mario. Siya ay nagtamo ng first degree burn sa kaliwang braso.

Nagsimula umano ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay na pagmamay-ari ni Jun Bayotlang sa 5762 B, Kalayaan kanto ng Benitex st. Pinagkaishan alas-6:50 ng umaga.

Tinatayang 11 bahay ang nasunog. Nagsasagawa pa ng imbestigasyon upang matukoy ang pinanggalingan ng apoy.

Umabot sa 500,000 ang halaga ng pinsala. Naapula ang apoy alas-8:18 ng umaga.

Read more...