Sunog sumiklab sa Makati

NASUNOG ang isang residential area sa unang araw  nang pagpapatupad ng general  community quarantine (GCQ) sa Makati City.

Ayon sa Makati City Fire Department and Protection, nangyari ang sunog sa isang residential area sa kahabaan ng Kalayaang Avenue, Brgy. Pinagkaisahan ng nabanggit na lungsod ngayong umaga

Dikit-dikit ang mga bahay na pawang gawa sa light materials kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Lumalabas sa report na umabot sa ikalawang alarma ang sunog hanggang sa idineklarang kontrolado ito  alas-7:45 ng umaga.

Wala namang napaulat na may nasaktan sa insidente at iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang pinagmulan ng apoy at kung magkanong halaga ng mga ari-arian ang napinsala.

Read more...