E-dalaw sa kulungan pinarami | Bandera

E-dalaw sa kulungan pinarami

Leifbilly Begas - May 31, 2020 - 08:37 PM

NADAGDAGAN ng 40 ang mga computer desktop na magagamit ng mga preso aa kanilang pakikipag-ugnayan sa kanilang mga abugado at pamilya.

Ang mga computer set ay gagamitin sa Electronic Dalaw o “e-Dalaw” program ng Lakbay Hustisya Foundation, para sa mga persons deprived of liberty (PDLs) na nasa iba’t ibang piitan ng Bureau of Jail Management ang Penology.

“Umaasa tayo na sa pamamagitan ng e-Dalaw, patuloy na uusad ang hustisya sa kabila ng quarantine. This program is one of the ways to go forward in terms of ensuring PDLs’ access to justice as we grapple with the many uncertainties brought about by the pandemic,” ani Rizal Rep. Fidel Nograles, founder ng Lakbay Hustisya Foundation.

Bukod sa libreng computer, ang Lakbay Hustisya ay nagbibigay din ng libreng online legal service sa mga PDLs.

Kasalukuyang suspendido ang dalaw sa mga piitan upang maiwasan na kumalat ang coronavirus disease 2019 sa mga piitan.

Nagpasalamat naman si BJMP Chief Jail Director Allan Iral sa donasyon ng grupo ni Nograles. “This will go a long way in ensuring that our inmates can still avail of their rights despite the enforced quarantine.”

The computers will be used to facilitate the Electronic Dalaw or “e-Dalaw” program, where persons deprived of liberty (PDLs) can communicate with their relatives and lawyers online.

The program allows PDLs to use Skype or Facebook for 10 to 15 minutes daily to avail of “electronic visits.”

Samantala, sinabi ni Nograles na nakikipag-ugnayan ito sa kanyang mga kapwa abugado upang mas marami pang preso ang makalaya ng mas maaga at mapaluwag ang mga kulungan.

Pinayagan ng Korte Suprema ang pagbawas sa mga piyansa upang mas maraming mahihirap na preso ang makalaya samantalang ang Department of Justice ay gumawa ng hakbang upang mas marami ang mabigyan ng parole at executive clemency.

“Aktibo po kaming nakikipag-usap sa iba pang kasamahan natin sa legal profession. Mahalaga pong magtulungan tayo hindi lang para mabawasan ang dami ng mga PDL sa mga overcrowded jails, kundi para na rin masiguro na mabigyan ng hustisya ang marami sa ating mahihirap na kababayan na nakulong dahil sa maling hatol,” ani Nograles, isang Harvard-trained lawyer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending