TUMAAS ng 2,300 ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nadagdag sa mga nahawa ng coronavirus disease 2019.
Ayon sa Department of Foreign Affairs nasa 5,184 na ang bilang ng mga OFW na nahawa ng COVID.
“The spike covers some late reports received from the Middle East,” saad ng DFA.
Tumaas naman ng 1,176 ang bilang ng mga bagong gumaling na OFW sa Asia and the Pacific at Middle East.
Nabawasan naman ng isa ang bilang ng mga OFW na nasawi sa naturang sakit. Mula sa 340 ay naging 339 ito.
“Patient originally reported as dead (in Europe) was confirmed to be in critical condition,” saad ng DFA.
MOST READ
LATEST STORIES