NGAYONG mas maluwag na ang mga kalsada nagbabala si House committee on dangerous drugs chairman at Surigao del Norte Rep. Ace Barbers nang pagtaas ng kaso ng drug trafficking sa bansa.
Ayon kay Barbers maraming drug pusher ang nagpigil na bumiyahe ng iligal na droga dahil madali silang mabubuko sa mga checkpoint bunsod ng ipinaiiral na quarantine protocol.
“The drug trade will return with vengeance after hibernating for almost three months. Our police should be more vigilant and monitor strictly the movement of people under the general community quarantine, where more people will be out doing serious business while others might be out looking for ways of getting the new high in the time of COVID,” ani Barbers sa isang pahayag.
Sa ilalim ng General Community Quarantine sa Metro Manila at mga karatig lugar, mas marami na umano ang makalalabas.
“These drug syndicates have long prepared for this new normal and have planned out well their next moves amid the fear and confusion. While the people and our law enforcers are busy mapping strategies on how to avoid mass concentration and activities, we might overlook the drug trade resumption,” dagdag pa ng solon.
Umapela naman si Barbers sa Philippine Drug Enforcement Agency na gawing puspusan ang pagsuri sa mga kargamento na maaaring pinagtataguan ng mga ipinagbabawal na gamot upang maitawid ito sa boundary ng iba’t ibang lugar.
“I strongly agree with the Chairman of the House Committee on Transportation, Edgar Mary Sarmiento that our seaports, airports and all bus terminals, cargoes and vehicles should be thoroughly inspected and strictly monitored if we are dead serious in stopping these criminals in their activities that put COVID-19 to shame,” dagdag pa ni Barbers.
Suportado naman ni Barbers ang pagkakatalaga kay Wilkins Villanueva bilang bagong PDEA chief.
“I give him my full backing, being an old timer and an insider.”