Julie Anne wagi sa MPS Online Awards; tips para maging kaboses sina Lani & Christian

KAKAIBA rin ang paandar ng The Clash Season 1 alumnus na si Garrett Bolden sa kanyang TikTok account. 

Kinaaliwan ng kanyang followers  ang two-step tutorial kung paano gayahin ang boses ng The Clash panelists na sina Lani Misalucha at Christian Bautista. 

Tip ni Garrett sa mga gustong ma-achieve ang birit voice ni Lani, dapat may konting nginig ang boses at maayos itong ma-modulate para maging katunog ng nag-iisang Asia’s Nightingale.

Para naman magaya si Christian, ang pabirong hirit ni Garrett ay, “Step 1: Alam n’yo ‘yung 90 Day Fiancé, kilala ny’o si Rose? Medyo gagayahin lang natin boses ni Rose. I-a-apply n’yo lang s’ya sa bawat words na kakantahin mo. 

“Step 2: Kilala mo ‘yung partner n’ya, si Big Ed? Medyo gagayahin lang natin ‘yung posture niya, kumbaga tight ‘yung katawan,” sabi pa ng Kapuso singer.

Sa ngayon ay mayroon nang mahigit 152,000 followers at 617,000 likes si Garrett sa TikTok.

                             * * *

Isa na namang bagong award ang natanggap ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose bilang isang recording artist-concert performer.

Si Julie Anne ang tumanggap ng Favorite Mellow Song for her single “Regrets” sa MPS Online Awards 2020. Bukod pa yan sa napanalunan niyang Favorite Female OPM Artist. 

Ang MPS Online Awards o MOA ay  isang “online awards presented by music chart page Most Played Songs to give honor and appreciation for those who made it big in the OPM and International music scene.”

Nito lang nakaraang January, 2020, ilang award din ang naiuwi ni Julie Anne San mula sa 5th Wish Music Awards na ginanap sa MOA Arena.

Read more...