MASWERTE ka kung magkasama kayo ng dyowa mo sa isang bahay ngayong panahon ng pandemya at may ipinatutupad na community quarantine
Siguradong “the struggle is real” naman ang hashtag ng buhay ngayon ng mga couple na magkahiwalay at mahigit dalawang buwan nang pinaglayo ng COVID-19 crisis.
Kung may isang celebrity na masaya ngayon kahit paano sa gitna ng kinalaharap na health crisis ng buong mundo, yan ay walang iba kundi si Glaiza de Castro.
Kasama ngayon ni Glaiza sa Baler, Aurora ang boyfriend niyang foreigner na si David Rainey na inabutan ng lockdown doon. At dahil araw-araw silang magkasama napakarami nilang discoveries sa isa’t isa.
Sa panayam ng GMA, nagbigay si Glaiza ng limang tips para mas maging masaya at makabuluhan ang lockdown life ng mga magdyowa.
Unang-unang payo ng aktres, magtulong sa mga gawaing bahay. In fairness, ipinagmalaki ni Glaiza kung gaano kasipag na partner si David.
“Bukod sa therapeutic ito para sa amin, parang it also makes your relationship, I don’t know, stronger I think dahil sa mga ganung bagay nasusubukan niyo ‘yung isa’t isa kung ano ‘yung haba ng pasensya niyo.
“Kung meron kayong disagreement, minsan daanin niyo sa paglilinis. Ewan ko pero pagkatapos noon nakakagaan ng loob,” aniya.
Pangalawa, mag-workout together, “We try to keep it as exciting as possible. Minsan naman meron siyang paandar na workout. Alam ko nag-release din GMA News nito eh, ‘yung i-spell mo ‘yung pangalan mo tapos ‘yung isang letter is equivalent to certain exercises. Kunwari ang G ay equivalent to 50 jumping jacks.
“Meron kaming iba’t ibang workouts to keep us excited or para ma-look forward namin ‘yung aming workout,” dugtong pa niya.
Isa pa sa bonding nila ni David sa Baler ay ang pagluluto, “Si David mahilig siya magluto. So isa rin ‘yan sa mga paraan para mas ma-familiarize ako sa pagluluto.”
Ikaapat na tip ni Glaiza, alamin ang inyong common interest at mag-enjoy gawin ito nang magkasama. Aniya, love na love nila ng BF ang lumangoy.
“Hindi kami makapag-beach ngayon (for security reasons dahil sa virus), at dahil mahilig kami mag-beach pareho, ang isa sa ways to relax namin ay to swim. Sa ngayon sa pool lang muna kami.”
At ang panghuling tip ng dalaga, “Nagbabasa kami, parang salit-salitan kami ng chapters or nagdudugtungan kami ng stories. So ‘yung, napa-practice namin pag-i-improvise namin, ‘yung pagiging creative namin.”