GCQ na bukas: Lovi may warning sa lahat ng lalabas para mag-exercise

NAGBIGAY ng warning ang Kapuso actress na si Lovi Poe sa lahat ng nagpaplanong mag-exercise sa labas ng kanilang bahay ngayong ilalagay na sa general community quarantine ang Metro Manila at mga kalapit probinsya.

Inaasahang magdadagsaan ang mga tao sa pangunahing lansangan at establisimyento bukas sa pagsisimula ng GCQ sa bansa dulot pa rin ng COVID-19 pandemic.

Kaya sa isang post ni Lovi sa kanyang Instagram account, pinaalalahanan niya ang lahat na maging maingat pa rin sa paglabas lalo na yung mga may balak tumakbo o mag-jogging sa labas.

Ani Lovi, miss na miss na rin niya ang tumakbo sa labas ng kanyang bahay at makalanghap ng sariwang hangin.

“I really miss my 4am runs just before heading to work when everyone’s still asleep.

“But for now, I’m just happy that I can do this and incorporate running to my fitness routine somehow. #LoviYourBody,” caption ng dalaga sa kanyang IG post.

Simula bukas, June 1 papayagan na ang jogging, running at walking sa labas ngunit kailangang sundin pa rin ng publiko ang health protocols.

Kaya ang advice ni Lovi, “P.S. Just remember to practice social distancing & be extra mindful of proper hygiene when going for your walks or runs, okay?”

Kamakailan, sinabi ng aktres na 

kahit nasa loob lang ng bahay, araw-araw pa rin siyang nagwo-workout para ma-burn ang extra calories sa kanyang katawan dulot ng stress eating.

 “Maybe because I eat like crazy too. Wala akong choice, kasi kung hindi oh my god! ‘Yung sitwasyon natin ngayon, it’s really stressful and I am the type to you know binge eat when I’m stress and when I’m feeling down.

“So ang takbuhan ko talaga is food. So at the sametime I just like try to make up for it by working out,” ani Lovi.

Read more...