BINALAAN ng Bayan Muna si Energy Secretary Alfonso Cusi na mananagot ito kapag itinuloy ang planong pagbili ng P2.8-B na halaga ng shares sa Malampaya consortium ni Dennis Uy dahil hindi umano ito napapanahon.
Ayon kay Bayan Muna chairman Neri Colmeranes, maituturing na “senseless waste of public funds” ang pagbili ng shares sa harap ng malaking pangangailangan sa malaking pondo ng bansa dahil sa Covid-19 crisis.
“Sec. Cusi should oppose such buy out considering the government claim that we have a funding crisis. We warn Sec. Cusi not to waste government funds on risky investments in the midst of the pandemic as this will make him accountable for such loss,” ani Colmenares.
Bago ito ay napag-alaman ang
ang plano umano ng DOE na bumili ng 10 percent shares sa 45 percent shares ni Uy sa Malampaya sa halagang P2.8-B kung saan iginiit ni Cusi na magandang investment ito na maaaring pagkakitaan ng pamahalaan.
Duda naman si Colmenares na investment ang intensiyon ng pamahalaan sa pagbili ng shares.
“While government is burying us in debt and discontinuing important projects to realign funds for the Covid response, the DOE is investing public funds in a questionable investment by Dennis Uy who is reportedly being asked by his creditors to pay off his overdue obligations. If this is intended to help alleviate Uy’s cash strapped predicament then this is certainly a misuse of public funds,” giit ni Colmenares.
Nito lamang Marso 2020 ay nakumpleto ng Udenna Corporation, na kompanya ni Uy, ang pagbili sa 45 percent shares ng Chevron Philippines sa Malampaya Natural Gas Project.
Sa ngayon, ang Malampaya ay ino-operate ng Shell Philippines Exploration, Philippine National Oil Corporation-Exploration Corporation (PNOC-EC), at Udenna Corp. Malampaya Philippines.
Ang Malampaya, na matatagpuan sa Palawan, ang nagsu-supply ng 30 percent national demand sa kuryente at nagsu-supply rin ng kuryente sa limang power plants sa Luzon.