Halos 7K swab test naisagawa sa community-based testing ng QC

COVID testing center

HALOS 7,000 na ang naisagawang swab test sa community-based testing ng Quezon City.

Mula Abril 13 hanggang Mayo 28, 6,904 na ang naisagawang swab test para sa coronavirus disease 2019.

Sa mga ito lumabas ang resulta ng 3,557.

Sa naturang bilang 377 ang nagpositibo at 3,180 ang nag-negatibo.

Nagtayo ang lokal na pamahalaan ng community-based testing sa bawat isa sa anim na distrito nito upang mapabilis ang pagtukoy sa mga nahawa ng COVID-19.

Read more...