MARAMI ring realizations sa buhay ang Kapuso Action Drama Prince na si Ruru Madrid habang naka-quarantine sa bahay bunsod ng COVID-19 pandemic.
Kuwento ng hunk actor, mas nalaman niya ang importansya ng pamilya sa mga ganitong sitwasyon.
“Because of COVID-19, na-realize ko na dapat every single moment, ini-enjoy na natin.
“I mean, ‘yung mga panahon na puwede pa nating sabihin sa mga taong mahal natin na mahal natin sila, sabihin na natin hangga’t kaya nating sabihin. Kasi, hindi natin alam kung ano ‘yung mangyayari,” lahad ng binata.
Dagdag pa ni Ruru, sinasamantala rin niya ang panahon na ito para tumuklas ng mga bagong pagkakaabalahan o hobbies.
Samantala, kasalukuyang napapanood ngayon ang rerun ng kinabibilangan niyang telefantasya na “Encantadia” sa GMA Telebabad.
* * *
Isa si Rhian Ramos sa mga aminadong nahirapan mag-adjust sa bagong schedule ngayong naka-quarantine lamang sa bahay.
Kaya minabuti niyang gumawa ng isang maikling informative na video kung paano mananataling productive sa panahon ngayon.
“Turning your home into a place of productive work can be a challenge ’cause we usually associate this space with resting, relaxing, and all the non-work activities we could be doing,” panimula niya.
“But now that the idea of ‘normal’ is changing, it might help to discover that your home is a multipurpose playground, and that you can get a lot done no matter where you are,” aniya pa.
Nagbigay rin ng tips ang “Love Of My Life” actress sa kanyang followers na pwede ring sundin ng mga naka-work from home.
“1. Wake up at the same time everyday; 2. Setting a designated working area; 3. Do brain exercises before work; 4. Make a to-do list; 5. Communicate with other people,” pagbabahagi ni Rhian.