NASAKOTE sa magkakahiwalay na operasyon sa Quezon City ang 13 katao kaugnay ng pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.
Nahuli ng Masambong Police sa buy-bust operation sina Michael Ramirez, 30, at Neptaly Cabaluna, 34, alas-9:35 kagabi sa Seminary Rd., Brgy. Bahay Toro. Nasamsam umano sa kanila ang tatlong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400.
Talipapa Police naman ang nakahuli kina Elmer Regulacion, 46, Abel Laxamana, 47, at Allan Caperal, 42, alas-8:30 ng gabi sa Cenacle Drive kanto ng Morning Star st., Sitio Mabilog, Brgy Culiat. Nakumpiska umano sa kanila ang 20 gamo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000. Inaresto naman si Mary Jane Sagel, 36, dahil sa obstruction of justice.
Naaresto naman ng Batasan Police si Fernando Martinez, 39, alas-8:30 kagabi sa kanyang bahay sa 51 Area 3 Hornbill st., Sitio Veterans, Brgy. Bagong Silangan. Nakuha umano sa kanya ng P6,800 halaga ng shabu.
Project 4 Police naman ang umaresto naman sina Arnel Cahinhinan, 37, Edgardo Guinto Jr., 24, at Austin Iverson Sigua, 20, alas-8 kagabi sa kanto ng 20th Ave., at P. Tuazon Blvd. Brgy. Tagumpay, Project 4. Narekober uamno sa kanila ang pitong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P105,000.
Kamuning Police ang humuli kay Ralp Habitan, 34, ng Brgy. Roxas District, alas-5:35 ng hapon sa Hyacinth st., Brgy. Roxas District. Isang sachet ng shabu umano ang nakuha sa kanya na nagkakahalaga ng P6,800.
Nakakulong naman sa Galas Police sina Joel Cervantes, 67, at Alen Dale Dela Paz, 20, alas5 ng hapon sa Interior 1, Leveriza, Brgy. 707, Zone 78, Manila City.
Narekober umano sa kanila ang 40 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P272,000.