Mga magulang hindi dapat dumagsa sa public schools para makapagpa-enroll

HINDI umano kailangang dumagsa sa mga pampublikong paaralan ang mga magulang sa Lunes para magpa-enroll.

Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan kokontakin ng mga guro ang mga magulang para ipaalam ang proseso ng pagpapatala para sa School Year 2020-21.

Sasabihin din umano sa mga magulang kung kailan sila pupunta sa paaralan.

Itinakda ng Department of Education ang buong buwan ng Enero bilang enrollment period.

Ang pasukan ay itinakda naman sa Agosto 24.

Sinabi ng DepEd na hindi gagamitin ang face-to-face learning sa pasimula ng pasukan.

Maaari umanong gamitin ang pagpapadala ng printed materials, online learning, TV at radio learning.

Read more...