Magkasunod na lindol yumanig sa Batangas

 

NIYANIG ng magkakasunod na lindol ang Batangas kanina.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang mga lindol ay volcanic-tectonic ang origin.

Alas-8:09 ng umaga ng maramdaman ang magnitude 3.5 lindol. Ang epicenter nito ay 10 kilometro sa kanluran ng San Luis at may lalim na apat na kilometro.

Nagdulot ito ng Intensity II sa Taal, Batangas.

Nasundan ito ng magnitude 3.2 alas-8:14 ng umaga. Ang epicenter nito ay 10kilometro sa kanluran ng San Luis at may lalim na dalawang kilometro.

Naramdaman ang Intensity II sa San Luis at San Nicolas Batangas at Intensity I sa Taal.

Alas-8:30 ng naramdaman ang magnitude 3.7 lindol. Ang epicenter nito ay 10kilometro sa kanluran ng San Luis at may lalim na tatlong kilometro.

Nagdulot ito ng Intensity II sa Taal. Intensity I naman sa Calatagan, Batangas at Tagaytay City.

Read more...