Kiray: Pag sexy kahit magpakita ng d*d* araw-araw OK lang, pag pwet ko, galit kayo?!

Kiray

BASAG na basag kay Kiray Celis ang mga netizens na walang ginawa kundi laitin at okrayin ang kanyang itsura at katawan sa social media.

Isa ang komedyana sa mga local celebrities na walang keber kung mag-post ng kanyang bikini photos sa Instagram. 

Talagang walang takot niyang ibinabandera ang katawan suot ang iba’t ibang klase ng swimsuit kung saan proud na proud pa niyang ipinakikita ang kanyang pwet.

Sa latest Instagram post ni Kiray,  muli niyang ipinagmalaki ang matambok niyang likuran na tinawag pa niyang “#Puwetserye.” Dito, tinalakan ng Kapusp comedienne ang mga netizens na galit na galit sa pagpapasilip niya ng pwet.

Aniya, “Pag sexy, kahit magpakita araw araw ng dede.. OKAY LANG? Pag pwet ko, galit kayo? Korni niyo! BUWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

“PWET na lang nga malaki sakin. Maliit na nga sa HEIGHT saka sa BOOBS.. Dami niyo pang sinasabi! Di nalang natin i-angat ang isa’t isa. 

“Kaya ang daming may kulang sa kumpiyansa sa sarili eh. Kasi imbes na suportahan niyo, lalaitin niyo pa. Kala mo ang peperfect nila! HAHAHAHAHAHAHAHAHA!” mataray na pahayag ni Kiray.

Hirit pa niya, “Malaki man o maliit, maitim man o maputi. Wala kayong pake kung anong ipopost ng bawat isa. Kung confident sila, bakit hindi?

“Kung dun sila masaya, bakit hindi? Hindi nila pinopost yun para mabastos sila. Pinopost nila yun kasi proud sila! Bawal lumabas! Pero hindi bawal maglabas ng pwet! Oh eto, MORE PWET PA PARA SAINYO! HAHAHAHAHAHA! #PWETSERYE!”

Read more...