NANAWAGAN ang Kapuso singer-actress na si Aicelle Santos sa lahat ng nais magbigay ng tulong sa mga pedicab driver sa Maynila.
Matindi rin ang epekto ng lockdown dulot ng COVID-19 sa mga pedicab driver sa Intramuros, Manila na natigil din ang pagpasada mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa bansa.
Sa kanyang Instagram Story, ipinost ni Aicelle ang artcard para sa kanilang “Pedikabayan” fundraising project kung saan nakalagay din kung paano makapagbibigay ng donasyon.
“Tulong para sa ating mga kapatid na pedicab drivers,” aniya sa caption.
* * *
Bilang bahagi ng kanyang birthday celebration, personal na ipinaghanda ng “Descendants of the Sun PH” star na si Nicole Donesa ng mga pagkain ang frontliners sa Project 6, Quezon City.
Ayon sa Kapuso actress, ang “PROJECT 26 for PROJ. 6” ay paraan niya ng pagpapasalamat sa mga dakilang taong iniaalay ang kanilang kaligtasan upang maprotektahan ang komunidad.
“For my 26th birthday, I’ve decided to ipon money, go back-and-forth to the groceries and buy breakfast for the frontliners of Barangay Project 6,” post ni Nicole sa kanyang Instagram account.
Dagdag pa niya, “And siyempre ako ‘yung nagluto! I never thought that doing chores, groceries, and cooking all on your own for others would bring a different kind of happiness, that warm fuzzy feeling in your heart.
“If this is what it’s like being 26, then I wouldn’t have it any other way. I’d like to also thank my team for helping me fulfill my project–Mothergoose, Ate Kim, Kuya Tey, Ate Angel, Ate Jade and of course the love of my life, Mark Herras.
“And last but not the least, thank you to my number 1 fan, my ultimate sponsor and hero, my Papaski! Thank you Pa for my birthday gift. Hehe. Alam mo na kung ano ‘yun,” ani Nicole.
Samantala, may espesyal na video greeting naman ang kanyang boyfriend na si Mark para sa birthday girl.
Mensahe niya, “Crazy year my love! Happy happy birthday and thank you for being you! I love you so much, itchyitchy! Gawa pa tayo ng mas maraming masasayang memories okay? Love you!”