WE MUST admit in all honesty na hindi na kami kumportable with our today’s subject, but not necessarily our column’s topic kundi ang artistang sangkot sa aming kuwento.
The least na maaari na lang naming gawin is not to publish his name in full, but rather address him sa kanyang initials being “DDD” (obvious naman kung sino ang aming tinutukoy, ‘di ba?).
Pasensiya na, DDD and yours truly are not on good terms pero immaterial na ‘yon. We’re also not inclined to provide some background to it.
Anyway, read on.
Sa aming komunidad sa Pasay City ay mahigpit siyempre ang pagpapatupad ng malawakang MECQ sa panahon ng pandemya. May military presence sa aming barangay, mga sundalo mula sa iba’t ibang branch maliban sa Philippine Army.
On rotation ang mga ito na nakaposte sa tatlong maliliit na barangay, mga unipormado.
Nagkaroon kami ng pagkakataong makilala sila without their face mask and in their house clothes sa kanilang tinutuluyan, na bale extension ng aming barangay hall.
Isang gabing time off muna ‘yon sa kanilang trabaho na hinaluan ng konting walwalan. Less than a dozen of them ang aming nakaharap, na ang pinakamatanda’y 49 taong gulang samantalang ang pinakabagets ay naglalaro sa pagitan ng 22 at 26 years old.
Isa sa kanila’y taga-Philippine Navy na nagsabing sa darating daw na weekend ay nakatakdang pumasyal sa aming lugar si DDD.
Si DDD ay may ranggo nang Lieutenant Commander na ipinagkaloob sa kanya sa isang seremonya sa Philippine Navy headquarters sa Maynila less than two months before we were placed on lockdown nitong Marso ng kasalukuyang taon (taong 2016 noong maging marine reservist na siya).
Anito, nami-miss na raw ni DDD ang kanyang mga ka-troop (o katropa if you may wish). Layunin daw ng Kapuso actor na alamin din ang kalagayan ng lugar kung saan nakadestino ang kanyang mga kabaro.
Since pinamumunuan din daw ni DDD ang Yes Pinoy Foundation na laging nakasaklolo sa tuwing may mga sakuna o kalamidad saang bahagi man ng bansa ay aalamin din daw ni DDD kung anong ayuda ang posibleng maipagkaloob ng Yes, one of which ay noong nag-alburoto ang Bulkang Taal nitong Enero.
Sinabi na lang namin sa aming kausap na kung maaari’y huwag na niyang banggiting nagkakilala kami, not that we felt something bad was likely to happen kundi wala namang bearing o dahilan pa ‘yon.
Ang concern namin ay ang tiyak na pagkakagulo ng mga residenteng natural na ma-starstruck kapag nakita nilang may celebrity sa aming lugar. At si DDD pa mandin ‘yon.
Baka hindi maiwasang dambahin siya, lapitan para magpapiktyur, hingan ng autograph. Worse, baka may himatayin pa sa sobrang kagalakan.
A day before that ay nagpasabi na raw si DDD that he couldn’t make it, abala raw ito sa ibang mga gawain. But had he showed up, there was no chance para hindi kami magkita with some strange exchange of niceties.
After all, ang virus ang common enemy namin, hindi ang isa’t isa. Unless hindi insignia ng ranggo niya ang nasa balikat niya kundi a chip on his shoulder.