Sesyon ng Kamara hanggang Huwebes

PALALAWIGIN ng Kamara de Representantes ang sesyon nito sa susunod na linggo.

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez sa halip na mag-adjourn ng Miyerkules ang huling araw ng sesyon ay hanggang Huwebes.

Sa ganitong paraan ay mas marami umanong trabaho ang matatapos ang Kamara de Representantes.

Ngayong araw ay mayroon din sesyon ang Kamara dahil hindi umano nagkaroon ng sesyon noong Lunes dahil sa Eid’l Fitr holiday.

Ang regular na sesyon ng Kamara ay mula Lunes hanggang Miyerkules.

Read more...