PLDT na-hack; hackers nagbanta sa Globe, you’re next

NA-HACK ang Twitter account customer service ng PLDT Huwebes ng hapon.

Pinalitan ng hackers ang account name nito na PLDT Doesn’t Care mula sa orihinal na PLDT Cares.

“As the pandemic arises, Filipinos need fast internet to communicate with their loved ones. Do your job. The corrupt fear us, the honest support us, the heroic join us. We are Anonymous. We are Legion. We do not forgive. We do not forget . Expect us.” ang sabi sa tweet ng di kilalang hacker.

Nagbanta pa ang hacker na isusunod nito ang Globe. Tinag pa nito ang @enjoyGLOBE sa Twitter.

Ibinigay pa ng hacker ang log-in information ng account na ito.

Bago ito mangyari, nagpost pa ang PLDT ng babala tungkol sa mga hackers na nananamantala sa nararanasan nating health emergency dulot ng coronavirus pandemic.

Wala pang statement na nilalabas ang PLDT sa hack na ito.

Read more...