PINAG-public apology ni Ai Ai delas Alas ang isang basher niya.
Na-bash kasi ng husto si Ai Ai matapos maglabas ng opinion na hindi niya raw nagustuhan ang Korean drama na The King: Eternal Monarch.
“AMBOBO MO NAMAN AI AI. HINDI MO GETS ANG FLOW NG STORY? HINDI MO ALAM YUNG PARALLEL UNIVERSE? Hahaha. Pathetic. PS Legit IG post niya yan.” ang sey ng isang Noel de Ocampo sa Facebook.
Sa mga sumunod na larawan, pinakita ng Comedy Queen ang isang letter dated May 25, kung saan pinagpapublic apology niya si de Ocampo na isa palang titser.
“In the light of the foregoing, the undersigned is demanding your public apology without prejudice to filing the appropriate case to preserve the future of this nation and the integrity of the academe, teaching profession and the Department of Education.” ayon sa sulat kung saan nakapirma si Ai Ai.
Sa isa pang larawan ay isang pormal na sulat naman ang binalik kay Ai Ai na galing kay de Ocampo kung saan humihingi siya ng sincere apology sa tinawag niyang ‘blatant act’. Isa raw itong malaking leksyon para sa kaniya.
“Sana maging aral ito sa mga cyber bullies. Maari naman kayong mag voice out ng opinyon or pakiramdam at saloobin ,pero hindi nyo kailangan murahin at durugin ang pagkatao ng isang tao tao na wala naman ginawa sa inyo kundi mag lahad ng kanyang opinyon sa palabas na hindI nya gusto ( iba din ito sa pagkakaintindi nyo na hindi ko naintindihan )sana din respetuhin nyo lahat ng tao sa industiryang kinagagalawan namin. Hindi natin alam mga pinag dadaanan ng bawat isa, kaya dapat we think before we click. GOD BLESS.” caption ni Ai Ai sa Instagram.