Nag-akusa kay Ping timbog sa estafa

INARESTO kahapon si Antonio Luis Marquez alyas Angelo “Ador” Mawanay, ang lalaking nagsangkot kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa kriminalidad noong ito ay hepe pa lamang ng Philippine National Police, sa Pasig City dahil sa kasong estafa.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), dinakip si

Marquez, 47, sa kanyang bahay sa Chestnut st., Greenwood Subdivision alas-5:30 ng hapon Miyerkules.

Bitbit ng mga tauhan ng CIDG ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Ma. Consejo Ignalaga, ng Antipolo City Regional Trial Court- 4th Judicial Region.

Inirekomenda ng huwes ang P40,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Marquez

Matatandaang isiniwalat ni Marquez na mayrong itinatagong daan-daang milyong dolyar sa mga bangko sa ibang bansa si Lacson na nakuha umano sa iligal na gawain noong ito pa ang hepe ng PNP.

Read more...