INIHAIN ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang panukala upang ideklara ang Marso 21 bilang National Covid-19 Health Frontliners’ Day bilang pagkilala sa kabayanihang ng mga frontline medical workers sa bansa.
Sa kanyang House bill 6774, sinabi ni Rodriguez na hindi maitatanggi ang sakripisyo ng mga doktor, nurse at iba pang tauhan sa health sector na kailangang pumasok sa trabaho sa kabila ng panganib ng coronavirus disease 2019.
“They are the ones who face this virus head on, risking their own personal safety. Among the first doctors dying from the virus were Israel Bactol, who died on March 21; Rosalinda Pulido, also on March 21; Romeo Gregorio Macasaet lll, on March 22; and Raul Diaz Jara, who died on March 25,” ani Rodriguez.
Ayon sa ulat ng Department of Health noong Mayo 18 ay 2,314 health workers na ang nahawa ng COVID-19.
“Despite this, our frontline health workers are not wavering and they still continue to help patients in different hospitals. Some doctors went back to work after recovering from the virus. We should not forget their sacrifices. They are our modern-day heroes,” saad ni Rodriguez.
Sa ilalim ng House bill 6774, ang pagdiriwang tuwing Marso 21 ay pangungunahan ng DoH.