National flag day ipagdiwang

HINIMOK ng Quezon City government ang mga taga-lungsod na makiisa sa pagdiriwang ng National Flag Day.

Hinikayat ng lokal na pamahalaan ang paglalagay ng watawat sa kanilang tanggapan, bahay at iba pang establisyemento.

Ang pagdi-display ng watawat ay mula ngayong araw (Marso 28) hanggang Hunyo 30.

“Be Proud of the Philippine Flag, display our National Colors,” saad ng panawagan ng QC.

Ang pagdi-display ng watawat ay nasa ilalim ng RA 8491 (An act prescribing the code of the national flag, anthem, motto, coat-of-arms and other heraldic items and devices of the Philippines).

Read more...