Marian bawal pang uminom ng alak: Nagpapadede pa siya kay Ziggy

Marian-Ziggy

BAWAL uminom ng anumang uri ng alak si Marian Rivera ngayon dahil nagpapadede pa siya sa anak na si Ziggy.

      Kapansin-pansin na sa quarantine date nina Yanyan at Dingdong Dantes sa kanilang bahay, tubig lang ang iniinom niya habang  may halong alak naman ang drink ng asawa, huh!

      Ipinaliwanag ng Team Dantes sa kanilang website kung bakit hanggang water lang muna ang Kapuso Primetime Queen.

“Marian is still breastfeeding her youngest Sixto. That is why she can’t drink any wine or any drinks with alcohol in it,” ayon sa caption ng Instagram post ng Team Dantes.

      Eh, nitong nakaraang selebrasyon ng World Day of Human Milk (last May 19), nakiiisa si Marian sa pamamagitan ng pagdo-donate ng kanyang breast milk.

      Kahit nasa bahay lang ngayon dahil hindi pa tiyak kung kailan sisimulan ang series niyang “First Yaya” ng GMA 7, super enjoy na enjoy pa rin siya sa role niya bilang nanay nina Zia at Ziggy at siyempre bilang loving and caring misis ni Dong.

                         * * *

Simula ngayong Biyernes, May 29, mapapanood na ang pinakabagong online game show na susubok sa talas ng isip ng inyong paboritong Kapuso stars.

Hosted by Betong Sumaya, makakasama rito ang inyong paboritong Kapuso artists online na makikisaya at maglalaro ng word guessing game.

Bukas, makakasama ni Betong ang Kapuso hunks na sina Jak Roberto, Nikki Co, Sef Cadayona at Addy Raj. Sino kaya sa kanila ang mananalo?

Ang Quiz Beh ay mapapanood simula ngayong Biyernes, May 29, 3 p.m. sa GMA Network Facebook Page at GMA Artist Center YouTube Channel. 

Read more...