Isko natanggap na ang donasyon ng fans nina Kathryn at DJ: Thank you KathNiel fandom!

KUNG may grupo ng fans na patuloy pa ring nagbibigay ng ayuda sa frontliners at mga naapektuhan ng lockdown dahil sa COVID-19, yan ay ang KathNiel supporters.

Nu’ng magsimula pa lang ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa bansa, agad nang kumilos ang mga tagasuporta nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para magsagawa ng relief mission.

Tulad ng kanilang mga idol na hindi nakakalimot mag-share ng blessings, ginagawa rin ng KathNiel fans ang lahat para kahit paano’y makatulong sa kapwa lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Kahapon, mismong si Mayor Isko Moreno ang nagpasalamat sa mga supporters nina DJ at Kath matapos mag-donate para sa relief mission ng Maynila.

Base sa social media post ng Manila Public Information Office, nagbahagi ang grupo ng 400 food packs sa Manila Department of Social Welfare (MDSW). 

“The KathNiel Fandom and Mr. Alvin Mendoza have donated 400 food packs to the Manila Department of Social Welfare (MDSW).

“The donation is intended for street dwellers sheltered by the MDSW at the Fugoso Sports Complex,” nakalagay sa caption.

Agad-agad naman itong ipinamigay sa mga pamilyang kasalukuyang nasa Fugoso Sports Complex sa San Nicolas District para sa ilang araw nilang pangangailangan.

Sa kanyang Twitter account, ipinost ni Mayor Isko ang mga nasabing donasyon na may caption na, “Thank you KathNiel fandom!”

Read more...