APAT sa bawat limang Filipino ang lumalabas ng bahay 1-3 beses kada linggo, ayon sa survey ng Social Weather Stations.
Sa Mobile Phone Survey ng SWS mula Mayo 4-10, sinabi ng 81 porsyento ng mga respondents na lumalabas sila ng bahay 1 hanggang 3 beses kada linggo para bumili ng pagkain. Ang 17 porsyento naman ay lumalabas ng 4-7 beses kada linggo at dalawang porsyento naman ang walo o higit pang beses na lumabas.
Nasa 98 porsyento naman ang lumalabas ng bahay isa hanggang tatlong beses kada linggo para bumili ng gamot. Dalawang porsyento naman ang lumalabas ng 4-7 beses at 0.02 porsyento ang walo o higit pa kada linggo.
Nasa 98 porsyento rin ang lumalabas ng bahay isa hanggang tatlong beses kada linggo para sa mga pinansyal na transaksyon. Isang porsyento naman ang lumalabas ng 4-7 beses at 0.1 porsyento ang higit sa 8 beses.
Kinuha sa survey ang opinyon ng 4,010 working age Filipino. Ang survey ay mayroong plus/minus 2 porsyentong error of margin.