Barbie hindi hiyang sa Korean beauty routine; BiGuel may na-discover habang may ECQ 

NAGDA-DRY na ba at super chaka na ng skin mo dahil sa mahigit dalawang buwang pagkaburo sa bahay dulot ng lockdown? 

Feeling mo ba, wala nang buhay at boring na ang aura mo dahil sa kakabilang ng lumilipas na araw at kakaisip kung kailan ba matatapos ang enhanced community quarantine sa bansa?

Hindi man makagimik dahil sa banta ng COVID-19, mahalaga pa rin ang pagpapahalaga at pag-aayos sa ating mga sarili ayon kay Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza. 

Sa kanyang YouTube vlog, nag-share ang “Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday” lead star ng tips kung paano magkaroon ng makinis na kutis lalo na ngayong summer at matindi ang sikat ng araw.

Sa nasabing video ay ipinasilip ni Barbie kung paano siya naghahanda upang ma-achieve ang kanyang “natural look” kahit pa indoor picnic lamang ang pupuntahan. 

Ayon sa Kapuso actress, ang tatlong pinakamahalagang skincare products na dapat gamitin ngayong tag-araw ay ang toner para ma-seal ang pores, moisturizer panangga sa dry skin, at sunscreen bilang proteksyon sa araw.

 Dagdag pa ng girlfriend ng Kapuso hunk na si Jak Roberto, depende pa rin daw sa skin type, daily routine, at lifestyle ng tao ang dapat na gamiting skincare products. 

Gaya na lamang niya na hindi raw hiyang sa Korean skincare routine kung saan umaabot sa 10 produkto ang iyong gagamitin sa mukha.

“Well sa experience ko after trying a lot of products and after ko mag-try ng iba’t ibang routine, I even tried the Korean skincare routine and hindi siya nag-work sa akin. Para sa akin, mas nag-work ang less products,” ani Barbie. 

 

Samantala, kahit hindi muna napapanood ang pinagbibidahang serye kasama si Kate Valdez na “Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday,” napapanood pa rin si Barbie sa rerun ng Meant To Be tuwing gabi sa GMA Telebabad.

                         * * *

Sa interview ng 24 Oras, naikuwento ng magka-loveteam na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang mga bago nilang natutunan habang naka-quarantine. 

Ayon kay Bianca, naging coping mechanism niya ang pagdarasal. Aniya, “Number one is having faith, ‘yung pagdadasal, ‘yun talaga ang one of my, well actually, number one way of coping.”

Bukod dito, natuto rin siyang mag-meditate, “I’ve learned to meditate and I’m still learning. I have never thought na mae-enjoy ko siya. It’s as simple as just closing your eyes and thinking of nothing.”  

 

Samantala, natutunan naman ni Miguel kung paano mag-play ng cello, “I learned how to play cello. ‘Yun ‘yung bago kong pinagkakaabalahan ngayon.” 

 

Pansamantalang napapanood ang pinagbidahang serye ng tambalang BiGuel na “Kambal, Karibal” kapalit ng “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday” sa timeslot nito sa GMA Telebabad.

Read more...