Chinese Covid-19 clinic ni-raid; 2 timbog

BAGSAK sa kulungan ang dalawang Chinese, kabilang ang doktor, na naaresto sa clinic sa Makati na nanggagamot ng mga Tsino na dinapuan ng Covid-19.

Agad isinailalim sa inquest proceedings ang mga suspek na sina Dr. David Lai, 49 at Songhua Liao, 41, kapwa naninirahan sa One Central Tower, Makati.

Alas-3:30 ng hapon kahapon nang mahuli ang mga suspek sa Goldstar Medical Clinic and Pharmacy Corp., sa Unit 501-506, 5th floor, New Lasema Spa Building sa 8846 Sampaloc st.

Nakatanggap ng reklamo ang Makati City Police kaugnay sa ginagawang panggagamot ng mga suspek sa mga pasyenteng tinamaan ng naturang virus kaya agad nilang sinalakay ang clinic.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang mga rapid test kits, medical paraphernalia tulad ng swab sticks, vials at syringes, at mga kahon na naglalaman ng iba’t ibang uri ng mga Chinese medicine na hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA).

Read more...