SA gitna ng kaguluhan na dulot ng matagal na pamamalagi ng mga overseas Filipino workers sa mga quarantine facilities, binuhay ng ACTS-OFW Coalition of Organizations ang panawagan na magtayo ng Department of OFW.
Ayon kay ACTS-OFW chairman Aniceto Bertiz III maging si Pangulong Duterte ay nakita ang pangangailangan na magkaroon ng departamento na tututok sa pangangailangan ng mga OFW bago pa man ang COVID pandemic.
“We’ve seen how the government has been overwhelmed by the coinciding pleas for help from distressed Filipino workers both here at home and abroad, leaving many of those overseas abandoned and neglected,” ani Bertiz. “Up to now, we still have thousands of displaced Filipino workers marooned in foreign lands with little to zero access to emergency assistance.”
Naniniwala si Bertiz na mas matututukan ang pangangailangan ng mga OFW sa itatayong departamento kumpara ngayon na hati ang atensyon ng Department of Labor and Employment at Department of Foreign Affairs.
“There’s no question a new singled-minded Department of Overseas Filipinos can deliver superior services to our citizens abroad faster,” saad ni Bertiz.
Sa kanyang State of the Nation Address noong nakaraang buwan, hiniling ni Pangulong Duterte sa Kongreso ang pagpasa ng batas para sa Department of Overseas Filipinos.
Mahigit sa 30,000 OFW na ang na-repatriate at marami sa mga ito ang dinala sa quarantine facility.
Inaasahan ang pagdating pa ng 42,000 OFW hanggang sa Hunyo.
Sinabi ni Bertiz na dahil sa tagal ng paglabas ng resulta ng COVID-19 test, may ilang OFW na umalis ng quarantine facilities at umuwi sa kani-kanilang pamilya.
Lumabas ang resulta na positibo ang ilang OFW na umalis sa quarantine facilities.