Ouch! Kris namaga na ang mukha, nabagsakan pa ng electric fan 

Kris

HALOS mamaga ang mukha ni Kris Aquino dahil sa allergy matapos makainom ng maling pain reliever para sa kanyang migraine.

Ito ang dahilan kung bakit hindi na natuloy ang muli niyang pagharap sa kanyang fans and social media followers via Facebook Live. 

At bukod sa inatake uli siya ng matinding allergy habang nasa Puerto Galera, napuruhan din ang kaliwa niyang kamay nang mabagsakan at maipit ng electric fan.

Sa official Facebook page ni Kris, ipinost niya ang dalawang litrato kung saan makikita ang pamamaga ng kanyang mukha, lalo na sa bandang mata pati na ang nakabenda niyang kamay.

“Sorry hindi natuloy our other FB Live sessions… WARNING: don’t swipe to the next 2 pictures if you’re not okay seeing swollen eyes na parang nakipag sparring ako kay Ronda Rousey.

“Last Sunday, I drank the wrong pain reliever for my migraine- the result? Super bad allergic reaction & 5 days before swelling finally subsided. 

“INGAT please – let what happened to me be the warning. 

“Last picture is my left hand because this afternoon i tried to be independent; 

“I was adjusting the electric fan stand to lower it, malay ko ba na pwedeng biglang bumagsak na lang yung buong fan & naipit na ko- OUCH. 

“Since hindi talaga pwede sa pain relievers & anti inflammatory meds, i’m using helichrysum essential oil… 

“Nurse Mona made a splint because ang hirap to straighten my hand, may mga naipit na ugat kaya up to my elbow yung kirot.

“Wishing all of you good health & will try to do another FB session soonest. God bless you all,” ang kabuuan ng FB status ng TV host-actress.

Read more...