BIBIGYAN pa ng pagkakataon ng Kamara de Representantes si Solicitor General Jose Calida upang makapagsalita kung bakit tutol ito na mabigyan muli ng prangkisa ang ABS-CBN 2.
Sa pagdinig kanina ng House committees on legislative franchises at on good government ang public accountability, hiniling ni Speaker Alan Peter Cayetano na bigyan ng leniency si Calida na hindi dumating sa pagdinig.
“I just like to appeal sa members ng leniency kay Solicitor General at kahit today natin in-schedule yung opening statement bigyan pa natin siya ng pagkakataon sa susunod na hearing to make the opening statement,” ani Cayetano.
Sinabi ni Cayetano na nagawang tipunin ni Calida ang iba’t ibang argumento laban sa ABS-CBN at naghain ito ng kaso laban sa istasyon ng hindi inuutusan ng Malacañang.”
Paliwang ni Cayetano kahit pa sabihin ni Calida na hindi siya magsasalita sa pagdinig dahil sa sub judice rule kailangan pa rin nitong pumunta sa pagdinig.
Ang sub judice ay ang pagbabawal na makapagsalita upang hindi maimpluwensyahan ang korte sa kasong nakabinbin dito.
“First, kung ganun ang interpretasyon ng sub judice rule walang hearing na magaganap sa Kongreso. Example corruption sa pagbili ng PPE ang gagawin lang nung aakusahan mag-file siya ng libel case laban dun sa umakusa tapos sasabihin na niya hindi na siya pupunta sa hearing kasi sub judice yung kaso di ba?”
Paalala rin ni Cayetano sa mga ipinatatawag sa pagdinig na hindi maaaring sa media lang sabihin na sub judicie kaya hindi ito pupunta sa pagdinig.
“If you will claim the Constitutional rights against testifying against yourself, if your going to claim the right to privacy, if your going to claim sub judice or any other legal defense, sa reporters if they are going to claim the privilege of protecting their informants, sometimes we will allow that but you have to be here you cannot absent yourself and then make those claims. You have to be here, make those claims and then the committee will determine whether tama yung legal excuse the ibinigay mo o hindi.”