Higit P40M shabu nasabat sa Bohol | Bandera

Higit P40M shabu nasabat sa Bohol

John Roson - May 26, 2020 - 03:36 PM

LIMA katao ang naaresto nang makuhaan ng mahigit P40.9 milyon halaga ng hnihinalang shabu sa magkasunod na buy-bust operation sa Bohol kahapon.

Naaresto sina Lelit Dajao, 44; Chellomae Pescura, 33; Junalyn Matura, 32; at Humprey Cenabre, 34, sa unang operasyon sa Tagbilaran City, ayon sa ulat ng Central Visayas regional police.

Isinagawa ng Regional Drug Enforcement Unit, iba pang unit ng pulisya, at Philippine Drug Enforcement Agency ang buy-bust sa Sitio Antipolo, Brgy. Dampas, dakong alas-5:45 ng hapon.

Dinampot ang mga suspek nang magbenta ng tatlong sachet na may aabot sa 15 gramo ng umano’y shabu, at nakuhaan pa ng dalawang paket ng Chinese tea na may humigit-kumulang 2 kilo ng droga.

Tinatayang nasa P13.702 milyon ang halaga ng shabu na nasamsam sa apat.

Kasunod nito, naaresto naman si Jaime Dajao, 44, sa operasyon sa Purok 2, Brgy. Tanghaligue, Talibon, alas-6:15.

Nakuhaan siya ng apat na pakete ng Chinese tea, na may aabot sa 4 kilo o P27.2 milyon halaga ng umano’y shabu.

Nasa kostudiya na ng Bohol PNP ang mga suspek para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law. (John Roson)

– end –

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending