Duterte sa mga LGUs na hindi tatanggap ng OFWs: Magkakagulo tayo

President Duterte

NAGBANTA si Pangulong Duterte sa mga lokal na pamahalaan na hindi tatanggapin ang mga Overseas Filipino Workers matapos naman niyang bigyan ng isang linggo palugit ang mga kaukulang ahensiya ng gobyerno na mapauwi sa kani-kanilang probinsya ang 24,000 stranded na OFWs.

“Ngayon, may mga siyudad na ayaw nilang tanggapin. You know, I’m ordering you to accept them, open the gates of your territories and allow the people — and allow the Filipino to travel wherever they want,” sabi ni Duterte.

Nauna nang binigyan ng pitong araw ni Duterte ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Health (DOH) para maihatid ang stranded na mga OFWs.

“Mahirap ‘yan. Magkagulo tayo, kanya-kanya kayong… So if you want a measure to be implemented in your local government unit, ask permission from the Task Force because alam mo it involves many issues,” babala pa ni Duterte sa mga LGUs.

Tiniyak naman ni Interior Secretary Eduardo Año na dumaan na sa COVID test ang 24,000 OFWs na pawang negatibo.

“Sir, ‘yon pong order ninyo na 24,000 OFWs lahat po ‘yan ay na-test natin using PCR at lahat po ‘yan ay negative. Kung sakali lang po na may makakalusot na nawala ‘yung kanyang result at siya ay dumating sa LGU ng walang papeles, ang advice po natin sa LGU tanggapin ninyo at ilagay ninyo sa quarantine hanggang dumating ‘yung kanyang result. Sapagkat ‘yon pong 24,000 po ‘yan ay tested negative po sa PCR,” paliwanag ni Año.

 

Read more...