Duterte kay Duque: Ano ba talaga are we on the second, third, fourth or fifth wave o no wave at all?

Presidente Duterte habang kausap si Health Secretary Duque.

“Ano ba talaga— are we on the second, third, fourth or fifth wave o no wave at all?”

Ito ang tahasang tanong ni Pangulong Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III sa harap naman ng naunang pahayag ng huli na nasa second wave na ang bansa kaugnay ng coronavirus disease (COVID-19).

Mr. President, we’re actually on the first major wave, major po of sustained community transmission,” sagot ni Duque sa televised meeting ni Duterte sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Kasabay nito, sinabi ni Duterte na sa kabila ng pagsasabi ng ilan na nagfa-flatten na mga kaso ng COVID-19, patuloy naman ang pagtaas ng mga tinatamaan.

“But ang problema, the number of cases is going high as 14,319. Sabagay the only good thing there going in our favor was that the recovery rate is very high, 3,323. Ang death five lang, bago. Total of active cases 10,000 lang,” sabi ni Duterte.

Ipinaliwanag naman ni Duque na ang nauna niyang pahayag kaugnay ng second wave, sa pagsasabing ito ay base sa artikulo ni Dr. John Wong ng EpiMetrics.

“Dr. John Wong sits as one of the expert advisers of the Interagency Task Force on Emerging Infectious Disease. And to him, as an epidemiologist, a top epidemiologist, he considers the three first cases in the Philippines, although imported, would represent a minor wave. Maliit na wave lang ho siya, Sir,” paliwanag ni Duque.

Pinayuhan naman ni Duterte si Duque matapos ang pagkakamali.

“So, alam ko ikaw you are hard-pressed and I know your situation. You just tell us if it that’s the — if that is that the one that’s in your — the gray matter between your ears, eh ‘di sabihin mo. Ngayon kung ayaw ninyong maniwala, bahala kayo basta ito ‘yung akin. So, that… Maybe you should adopt that kind of attitude. So be it. If I committed the wrong, as long as there is no malice there,” ayon pa kay Duterte.

 

 

 

 

Read more...