OTOMATIKONG mawawalan ng emergency power ang Pangulo pagsapit ng June 5, 2020 kahit pa buhay at epektibo ang RA No. 11469 o Bayanihan Law sa loob ng tatlong buwan o hanggang June 25, 2020.
Ito ay dahil ayon sa Constitution (Article 6, Section 23 No. 2) ang emergency power o anumang kapangyarihang ipinagkaloob at ibinigay ng Kongreso sa Pangulo para tugunan ang isang national emergency crisis ay titigil sa susunod napagwakas ng pagtitipon ng Kongreso (such power shall cease upon the next adjournment thereof).
Ang huling pagtitipon (session) ng Kongreso ay nakatakda sa June 5, 2020. Sa petsang ito, sila ay inaatasan ng Constitution na magwakas (adjourn) at magtipon ulit sa July 27, 2020 para sa regular session.
Oras na magwakas ang session (sine die adjournment) ng Kongreso, otomatikong hinto rin ang anumang kapangyarihang ipinagkaloob sa pangulo ng Bayanihan Law.
Hindi naman maaaring manaig at masunod ang terminong tatlong buwan o hanggang June 25, 2020 ang buhay at epektivity nito, gaya ng nasasaad sa Bayanihan Law dahil ito ay direktang kontra at labag sa sinasabi at inuutos ng Constitution.
Dahil dito, lahat ng kapangyarihan na pinagkaloob sa Pangulo ng Kongreso doon sa Bayanihan Law, para mabilis na mapuksa at labanan ang COVID-19 ay mawawala at matitigil.
Wala na rin silbi, kung magpasa at magsabatas ang Kongreso ng isa pang Bayanihan Law o extension ng Bayanihan Law BAGO mag June 5, 2020.
Ito ay dahil magiging epektibo lamang din ito hanggang June 5, 2020. Gaya ng kasalukuyang Bayanihan Law, ito ay matitigil at magwawakas din kapag ang Kongreso ay nag adjourn sa June 5, 2020.
Kung sakali naman na magpatawag ng special session ang Pangulo mula June 6, 2020 hanggangJuly 24, 2020 ang Bayanihan Law ay mananatiling buhay at epektibo hanggang June 25, 2020. Ito ay dahil ang July 24, 2020 at hindi June 5, 2020 ang magiging huling pagtitipon o session (last adjournment) ng Kongreso.
Sa June 25, 2020 din ang ikatlong kabuwanan ng Bayanihan Law. Kaya ito ang huling araw ng effectivity ng nasabing batas.
Maaari naman gumawa at magpasa ng bagong Bayanihan Law o extension ng lumang BayanihanLaw ang Kongreso habang ito ay nasa special session. Ang magiging epektibo nga lamang nito ay hanggang July 24, 2020. Ito ay dahil ang hulings session o pagtitipon ng Kongreso ay magwawakas(adjournment) sa petsang July 24, 2020.