UMABOT sa mahigit kalahating milyon ang nalikom na donasyon ni Darren Espanto para sa mga komunidad na matinding naapektuhan ng lockdown sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic.
Bilang bahagi ng kanyang 19th birthday celebration ngayong taon, nagkaroon si Darren ng live concert na napanood sa kanyang official Facebook page kagabi.
Dubbed as “D’Birthday Concert from Home”, ang benefit ni Darren ay para sa kanyang chosen charity, ang Pantawid ng Pag-ibig ng ABS-CBN na patuloy ang pagtulong sa mga pamilyang Pinoy na apektado ng health crisis.
Nag-perform ang young singer-actor sa mismong living room ng bahay ng kanyang pamilya sa Calgary, Canada.
Naging special guest niya sa show sina Gary Valenciano, Moira dela Torre at ang nakababata niyang kapatid na su Lynelle. Pagkatapos ng concert, nakalikom ang Team Darren ng mahigit P526,000 mula sa online donation.
Sa pagsisimula ng show, nagkuwento ang binatang singer tungkol sa quarantine life nila sa Canada, “Nakaka-miss mag-live shows pero sana matapos na po itong pandemyang ito so we can go back to doing those things kasi na-mi-miss ko na rin makita kayong lahat.
“That’s something that I always think about, kung paano at kailan kaya tayo makakabalik sa normal na yun at I’d say malungkot at nakaka-worry din po ang mga directly hit by this pandemic, ang mga nawalan ng mga mahal sa buhay at pati ang mga nawalan ng trabaho of course.
“Wala pa ring mass testing and padami nang padami na ang bilang ng nagkakasakit especially COVID, yan talaga ang nag-drive sa amin para gawin ito tonight sa paraan na kaya nating magawa,” pahayag ng binata.
Ibinahagi rin niya ang pag-iingat na ginagawa nila sa bahay lalo pa’t parehong frontliners ang kanyang parents. Lahat ng safety precautions ay talagang sinusunod nila.
“I think nakakatakot and nakaka-worry talaga ang nangyayari sa mundo ngayon. There’s just so much uncertainty right now.
“Our future, our dreams, almost everything that we’ve worked hard for, anytime pwede talaga mawala, eh. And in spite of all these challenges kailangan pa rin natin magpatuloy of course.
“Kaya kami dito sa bahay we still practice strict hygiene, yung tamang paghuhugas ng kamay which is 20 to 40 seconds and even yung social distancing since yung mga kasama namin ng kapatid ko here in our house, our parents are frontliners.
“But in spite of all that, we still find a way to bond. And I even had to do self-isolation for two weeks pag dating ko dito sa Canada kasi nga protecting ourselves is also protecting the people around us who we love.
“And that’s also protecting the dreams that we all have. And in line with that dream ay ang dreams and ambitions nung ating mga mahal sa buhay,” mahabang chika pa ni Darren.
“One of the important things na natutunan ko during this time ay yung makapagpasalamat sa lahat ng mga blessings na natanggap ko, natatanggap ko pa rin at meron pa rin tayo. At yung patuloy pa rin nating i-praise si papa God.
“Naniniwala ako na He will not give us something na hindi natin kayang malagpasan. Kung mahirap man po, alam kasi niya na kaya natin,” patuloy pa ng Kapamilya singer.
Lahad pa ni Darren, “My best experience is being here with my family because I don’t get to do that often when I’m in the Philippines and this is really time for me to make bawi sa lahat ng time na na-miss ko.”