ANIM na bahay ang nasunog sa Quezon City kanina.
Ayon sa ulat na natanggap ng Bureau of Fire Protection-NCR, nagsimula ang sunog sa isa sa mga kuwarto ng dalawang palapag na bahay sa no. 83, 13th Ave., Brgy. Socorro ala-1:11 ng umaga.
Ang bahay ay inuukupa ng pamilya ni Irish Limjuco, 42.
Umakyat ito sa ikatlong alarma at naapula ala-2:17 ng umaga.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang pinagmulan ng apoy.
MOST READ
LATEST STORIES