SUPER afraid pala si Ruffa Gutierrez nang malaman niyang makakatrabaho niya sa teleseryeng “Love Thy Woman” si Eula Valdes.
Marami kasing naririnig na chika si Ruffa tungkol sa tunay daw na ugali ni Eula lalo na pagdating sa trabaho. Bukod sa napakagaling nitong umarte, may katarayan din daw ito sa tunay na buhay.
Sa second episode ng bago niyang online show na “Love Thy Chika,” naikuwento ni Ruffa ang tungkol sa naging experience niya working with Eula.
“The first time that actually nag-taping tayo, talagang takot na takot ako. Kasi everybody was saying talagang napakahusay mo and at the same time, mataray ka daw sa set. May mga nagsasabing ganu’n,” pahayag ni Ruffa.
“That’s why the first time, ‘Hello, hi.’ Even if naging boyfriend mo si Kuya Monching noong araw nung panahon ng ‘Bagets.’ Siyempre nasa States pa ako noon so hindi ko alam,” dagdag pa niyang chika.
Pero fake news pala ang balitang mataray at suplada si Eula, “But you were very friendly and very helpful sa set so maraming salamat sa iyo.”
Ayon naman kay Eula, talagang madalas niyang marinig ang mga ganitong impression sa kanya at yan ay dahil sa kanyang mga mata. Hindi pa raw siya nagsasalita, ang tingin na sa kanya ng mga tao ay maldita siya.
“Ang dami kasi talagang natatakot sa akin. Unang kita pa lang nila sa akin, nai-intimidate sila.
“Siguro yung mata ko, mataray kasi talaga yung mata ko. Kaya pinapabilog ko iyan para hindi masyadong magmukhang mataray,” sey ni Eula.
Sa ngayon, medyo close na raw ang dalawang aktres at pareho silang super excited nang bumalik sa taping ng “Love Thy Woman” kapag lifted na ang lockdown.