Asawa ng tulak pinasok sa bahay, tinodas

BINARIL at napatay ang ginang ng ilang kalalakihan na pumasok sa kanilang bahay sa Caloocan City kahapon, ayon sa pulisya.

Dead on the spot ang biktima, 38, residente ng Brgy. 176, Bagong Silang, dahil sa mga tinamong sugat sa ulo at katawan.

Napag-alaman na pumasok sa bahay ng biktima ang apat na lalaki alas-9 ng gabi bago nakarinig ng mga putok ng baril.

Sinabi ng mga kapitbahay na tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo matapos ang insidente.

Naniniwala ang pulisya na may kinalaman sa droga ang krimen dahil tulak umano ang asawa ng biktima.

Read more...