Motorista hinampas ng baril ng siklista

SUGATAN ang negosyante na pinalo ng baril sa noo ng lalaking nagbibisikleta dahil sa away sa kalsada sa Quezon City kahapon.

Kailangan tahiin ang sugat sa noo na tinamo ng biktima, may-ari ng online bakeshop at residente ng Brgy. Kaligayahan, QC.

Pinaghahanap pa ng mga pulis ang suspek, residente rin ng nasabing barangay, na tumakas matapos ang krimen.

Ayon sa biktima, sakay siya at ang kanyang misis ng kanilang kotse para magdeliber ng cake nang senyasan niya gamit ang headlights ang lalaki na nagbibisikleta sa kanilang unahan.

Huminto umano ang suspek at kinumpronta ang driver ng kotse na nauwi sa argumento.

Sa gitna ng bangayan ay bumunot ng baril ang suspek at hinampas sa noo ang biktima.

Tumakas ang suspek habang humingi ng tulong sa barangay at pulisya ang biktima.

Read more...