PARARAMIHIN pa ang mga desktop computer sa mga kulungan para mapabilis ang pagkuha ng legal consultation ng mga preso at mapabilis ang kanilang paglaya.
Ayon sa Korte Suprema 4,683 persons deprived of liberty ang nakalaya mula Abril 30 hanggang Mayo 8 sa pamamagitan ng videoconferencing. Sa nakaraang anim na linggo ay 9,731 na ang PDL na nakalaya.
“Pipilitin po natin na madagdagan pa ang mga computer sa mga kulungan natin sa buong bansa para na rin magkaroon ng access ang mga PDL natin sa tulong legal,” ani Rizal Rep. Fidel Nograles na bahagi ng Lakbay Hustisya na nakipag-partnership sa Bureau of Jail Management and Penology upang makapaglagay ng mga computer sa mga kulungan.
Noong una ang mga computer ay ginagamit sa e-Dalaw upang makita ng mga PDL ang kanilang pamilya kahit hindi nakakadalaw ang mga ito.
Dahil sa coronavirus disease, naglabas ng circular ang SC upang mapaaga ang paglaya ng mga preso na nakagawa ng maliliit na krimen.
Pinayagan din nito ang virtual hearing upang matuloy ang paglilitis.
“Everyone is forced to adapt to the extraordinary circumstances we face today, and I’m glad that the SC is not allowing itself nor our courts to be left behind. We need all the tools we can use in facing this uncertain future, and allowing virtual hearings is certainly a welcome move,” ani Nograles, isang Harvard law graduate.
Suportado rin ni Nograles ang pahayag ni SC Associate Justice Marvic Leonen na ang siksikan sa kulungan ay kapwa responsibilidad ng buong gobyerno at hindi lamang ng hudikatura.
“It is true that this is an issue best addressed by the whole government. And given the urgency, I hope that all parties concerned will be able to convene at the soonest possible time. This is an issue that goes beyond the pandemic; it is rooted at humanitarian considerations and the rehabilitative aspect of our prison systems,” ani Nograles.