Return-to-office health protocol ipinatutupad ng Meralco

Meralco

TINIYAK ng Manila Electric Company na mayroon itong sapat na tauhan upang tumugon sa pangangailangan ng kanilang 6.9 milyong kustomer sakaling magkaproblema ang suplay ng kuryente.

Ayon kay Meralco President and CEO Atty. Ray Espinosa nagpapatupad ito ng return-to-office health protocols sa gitna ng banta ng coronavirus disease 2019.

Mayroon din silang 24/7 COVID-19 Hotline na maaaring matawagan ng mga empleyado na magkakaroon ng sintomas ng COVID-19.

Bago pinapasok ang mga empleyado ay nagsagawa ng disinfection sa kanilang mga opisina gamit ang Ultraviolet Germicidal Irradiation room sterilizers at disinfectant vaporizing equipment. Nilinis din ang mga air conditioning units at air handling units.

Nagkabit na rin ng mga protective barriers at ipinatutupad ang six feet social distancing kaya konti lang ang maaaring pumasok sa loob.

Pumasok din sa partnership ang Meralco at Pasig City Health Office para sa rapid testing ng mga empleyado.

Read more...