SA gitna ng tinatamasang tagumpay ng viral song niyang βBawal Lumabasβ, may isa pang hiling ang Kapamilya actress na si Kim Chiu sa madlang pipol.
Nanawagan si Kim sa lahat ng kanyang fans and social media followers na mag-sign sa petisyon para sa mabilisang pagbabalik ng operasyon ng ABS-CBN.
Nagsimula ang nasabing petisyon nitong May 22Β gamit ang website naΒ kapamilyaforever.comΒ na ang pangunahing adhikain ay makalikom ng mahigit isang milyong lagda upang bilisan ang pag-apruba sa Kongreso para sa bagongΒ prangkisaΒ ng TV network.
Nabatid na bandang 7 p.m. kahapon, umabot na mahigit 1.1 million ang pumirma sa petisyon.
Sa kanyang Instagram account, nag-post naman si Kim ng mensahe para sa milyun-milyon niyang followers at hinikayat ang mga ito na suportahan ang kanilang signature campaign.
βMga πΎππΌππππΌπππ!!!!Β
βHihingi sana ako ng tulong sa inyo na mag ππππ ππ ππππππππ upang makabalik sa pamamahayag ang aming tahanan. Ang tahanan na hindi magdadalawang isip na tumulong sa kapwa.Β
βMagbigay ng saya at inspirasyon. Wala naman perpektong tao sa mundo, maaring nagkakamali man pero inaayos din at naayos naman. Sana ay tulungan ninyo kami upang kami ay ππππΏπ ππΌππ ππππΌπ½πΌπ.Β
βPakiusap po classmates! ang ππππ ng πππ½ππππ ay nasa aking π½ππ. maraming maraming salamat!!!!Β hope you can also πππΌππ the link!β ani Kim.
Naglabas din ng pahayag siΒ Kane Choa, ABS-CBN Corporate Communications head, tungkol sa nasabing petisyon na sinimulan ng mga empleyado ng network.
βOur employees launched an online petition yesterday for Congress to start tackling the bills on franchise renewal.
βIt has reached one million signatures overnight,β aniya.