MULING tinakam at pinaglaway ng Kapamilya star na si Ivana Alawi ang mga lalaking nagpapantasya sa kanyang kaseksihan.
Halatang atat na atat nang magbilad ng katawan ang bagong pantasya ng bayan sa beach dahil sa bago niyang pasabog na post sa Instagram.
Kahapon, nagkagulo na naman ang male fans ng sexy actress sa ipinost niyang litrato suot ang kanyang black two piece bikini habang nakaupo sa kama.
In fairness, na-maintain pa rin ni Ivana ang seksing katawan sa kabila ng mahigit dalawang buwang pananatili sa bahay dahil sa patuloy na ipinatutupad na enhanced community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.
“Beach soon,” ang maikling caption ni Ivana sa kanyang revealing IG photo. And as usual, ilang sandali lang ang lumipas pagka-post niya ng latest niyang bikini photo, libu-libo na agad ang nakuha nitong likes at comments.
Kung may isang babaeng artista ngayon na masasabing bentang-benta sa mga kalalakihan pati na rin sa mga lesbian, walang dudang si Ivana Alawi na yan. Patunay diyan ang milyun-milyong followers at subscribers niya sa socmed at YouTube
Sa isang interview, sinabi ng aktres na wala siyang pakialam sa mga taong minamasama ang pagbibilad niya ng katawan sa social media. Aniya, wala naman siyang ginagawang masama at wala rin siyang inaapakang tao.
“At the end of the day i’m the only one who knows myself and alam kong hindi ako ganon so hindi ako nagpapaapekto,” sey ni Ivana.
Kamakailan, kumalat ang umano’y video scandal ni Ivana pero agad itong dinenay ng dalaga.
“In-edit nila yun, and nakakatakot actually ang nagagawa nila sa internet, e. Alam kong mukha akong wild, yung walang pakialam, liberated, proud ako dito, a. You will never ever see a scandal of mine on internet.
“Unang-una, wala akong makukuha doon pag nag-video ako o nag-picture ako nang nakahubad. Bakit?
“Never ko siyang naisip na gawin ever in my life, tapos ise-send mo sa mga lalaki. Wala akong makukuha du’n.
“Ang dami ngang nanghihingi sa akin dati, mga ex ko, ‘Send sexy pic and dirty pic.’ Never, never. Suwerte niyo naman,” aniya pa.