50K guro sa private school mawawalan ng trabaho
POSIBLENG umanong umabot sa 50,000 guro sa pribadong paaralan ang mawalan ng trabaho.
Umapela si Education Sec. Leonor Briones na tulungan ng pamahalaan ang mga guro sa pribadong eskuwelahan na kalimitan ay ‘no work no pay’.
“We are also concerned about the private school teachers, but these are the small private school teachers. Kasi two months sila na walang [trabaho], kasi ‘no work, no pay’, so these months wala silang earnings,” ani Briones sa pagdinig ng Senado.
Ayon sa Department of Education mayroong 263,000 guro sa mga maliliit na private schools sa bansa.
“We really need help for them dahil sila itong mawawalan ng sweldo,” ani Briones na nagsabi na 50,000 guro ang maaaring mawalan ng trabaho sa maliliit na private schools.
May mga malalaking eskuwelahan na binabayaran ng malaki ang kanilang mga guro upang hindi umalis ang mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.