outbrain

Resbak ni Angel sa basher: Kung may mass burial kasama ka ba sa ililibing?

By Djanb Magbanua May 23,2020
share this

Resbak ni Angel sa basher: Kung may mass burial kasama ka ba sa ililibing?

By Djanb Magbanua May 23,2020
share this

ISANG Carlos Blanco on Twitter ang bumanat kay Angel Locsin na dapat ay magresearch muna ito at huwag magmarunong patungkol sa isyu ng mass testing para sa sakit na coronavirus disease dito sa Pilipinas.

“@143redangel read oh! Common sense research din paminsan-minsan, wag magmarunong!” sey nito.

Kalakip ng tweet na ito ang isang photo post kung saan isa pang basher ang bumanat kay Angel.

“Ipalagay nating ikaw ang pangulo Ms. Angel Locsin, tapos meron kang 110 million na tao sa bansa mo at lahat sila nagdedemand ng mass testing. Pero alam mo sa sarili mo na hindi kakayanin ng health care system na meron ka na gawin yun dahil limitado lang ang kaya nyung mai-test. Ano ang gagawin mo? San ka kukuha ng 100 million na test kits? We ssalute you for always helping thos people in need in time of disaster. Pero sana kapag nagbibigay kayong mga artista ng sentiments nyo ginagamitan nyo rin ng UTAK.” ang sabi sa post na naka-credits sa isang kevin Madali

“Ang lakas ng loob mong magsabi ng common sense eh hindi mo nga alam ang meaning ng “mass” hay. Kung may mass burial ba na gagawin, kasama ka ba sa ililibing bilang buong 110M ng population ang nilalaban mo? Hindi naman, di ba? So anong kinagagalit mo? Kumalma ka.”  ang naging sagot ni Angel.

Binura ng netizen ang kaniyang tweet pero na-screenshotan ito ni Angel na siyang kinabit niya sa kaniyang sagot.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending