Lindol sa Aurora naramdaman sa Metro Manila

MULA sa magnitude 5.1 ay itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa magnitude 5.4 ang lindol na tumama sa Aurora kanina.

Umabot sa Metro Manila ang pagyanig.

Sa Earthquake Information no. 2 na inilabas ng Phivolcs sinabi nito na naramdaman ang lindol alas-10:10 ng umaga.

Ang epicenter nito ay 16 kilometro sa kanluran ng bayan ng San Luis. May lalim itong pitong kilometro.

Posible umanong nagdulot ito ng pinsala, ayon sa Phivolcs. Maaari ring magkaroon ng aftershock ang mga pagyanig na ito.

Naramdaman ang:

Intensity VI – Baler, Aurora

Intensity V – San Luis, Dipaculao & Maria Aurora, Aurora

Intensity IV – Casiguran, at Dingalan, Aurora; Gabaldon, at Palayan City, Nueva Ecija

Intensity III – Obando, Bulacan; Villasis, Pangasinan; Paranaque City; Antipolo City sa Rizal;

Intensity II – Santo Domingo, Nueva Ecija; Malolos City, at Plaridel, Bulacan; Baguio City; Manila City; Malabon City; Navotas City; Quezon City;  Valenzuela City

Intensity I – Gapan City, Nueva Ecija; at Guinayangan, Quezon

Instrumental Intensities:

Intensity IV – Palayan City, Nueva Ecija

Intensity III – San Ildefonso, Bulacan; Santiago City, Isabela

Intensity II – Cabanatuan City, & San Jose City, Nueva Ecija; Malolos City, Bulacan; Baguio City; Navotas City

Intensity I – Guagua, Pampanga; Marikina City; Malabon city; Quezon City; Guinayangan, at Mauban, Quezon; Iriga City, Camarines Sur; Dagupan City sa Pangasinan

Read more...